Posts

Showing posts from August, 2019

Ang Aking Pamilya

Ang aking Pamilya Tula ni Julie Ann F. Rosario Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay, Ang mga magulang ko ang aking taga gabay. Sa mundong puno ng lungkot at problema, Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama. Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo, Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko. Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi. Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki. Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta. Kapag may problema, laging nariyan para umalala Dahil sa ako’y mahal at anak nila. Bilang isang anak, hindi man ako perpekto. Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko. Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso. Salamat sa inyo, aking ama’t ina. Sa walang sawa niyong pagsuporta. Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya, Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga. Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya, Si ama’t si ina’y responsable sa tu...